Magandang programa na maaaring isulong ng susunod na SK officials

Gaganapin ang SK election sa December 2022. Para sa mga nagbabalak, heto ang magagandang programa na maaaring ilunsad kung sakaling kayo ang mahalal. Maaaring makipag-coordinate sa barangay or city/municipal officials para ilunsad ang mga babanggiting proyekto. Mahirap man ang trabaho, pero gawin niyo ito para sa bayan.

Wait… Sana siguraduhin niyo na marunong kayo gumawa ng letter at memorandum, mag-isip ng mga sustainable programs, mag-allocate ng budget, mag-encode, at makipag-communicate sa nasasakupan.

Para sa mga tatakbong SK, good luck po 😉 ❤


1. Full Disclosure Policy

Kapag naririnig yung SK, maraming magsasabi na nagiging mukha na ito ng korapsyon. Subalit pwede natin ‘to maiwasan sa pamamagitan ng full disclosure policy. Ang ibig sabihin lang ay isasapubliko ng SK officials ang bawat financial transactions, like kung saan gagastusin ang nakalaan na pondo. Yung mga mamamayan, dapat nakikilahok sa pagsusuri ng financial transactions para malaman kung nasa tama ba ginagastos yung mga buwis na binabayaran natin at makita kung may anomalya sa paggastos. Sa totoo lang dapat naisabatas na ‘to dati pa.

Related: Full Disclosure Bill (2013)


2. Youth Empowerment

Ang gusto ko lang iparating ay kailangan hikayatin ang kabataan na lumahok sa mga SK projects at decision-making, hindi lang sa mga pa-liga. Maganda rin kung ito ay bunga ng volunteerism. Pero para mahikayat ang kabataan para mag-volunteer sa mga activities, kailangan panatilihin ng SK officials ang maayos na track record, malinaw na vision and mission, at pagiging role model. Also, magkaroon sana ng time para makilala ang bawat isa at makabuo ng pagkakaibigan.

Photo by Guduru Ajay bhargav on Pexels.com

3. Tree Planting Project

Marami na ring SK ang may ganitong project. Pero gusto ko lang din banggitin kasi talagang maganda siya sa kalikasan. Kasama rito yung tuturuan yung kabataan paano magtanim. Tapos pwede rin sila turuan kung paano mag-cultivate ng gulay or flowering plants. I hope hindi lang ‘to pang isang araw na event lang. Dapat tuloy-tuloy.

Photo by Akil Mazumder on Pexels.com

4. Makilahok sa Barangay Assessment Program

Maganda rin na makilahok ang SK officials kung may nakaplanong ‘barangay assessment program’. Ang layunin nito ay tignan kung ano-ano ang mga short-term or long-term problems sa ilang areas. Ang gagawin lang ay mag-survey at mag-obserba. Yung mga kasagutan mula sa sarbey at obserbasyon ay magagamit ng SK at barangay officials para maglatag ng action-plan sa pag-resolba ng problema.

Example: Maraming sumakit ang tiyan sa Sitio Siete, Barangay Tibay. Upang masuri ang pinagmulan ng problema, nagpadala ang barangay officials ng mga health professionals at epidemiologist mula sa Municipal health office. Ni-record kung ilan ang aktibong kaso. Kumuha ng fecal specimen at food-and-water samples at sinuri. Napag-alaman na ito ay dahil sa Vibrio cholerae, isang bacteria na nagdudulot ng pagsusuka, pagka-uhaw, pagtatae, at maaari ring pagkamatay. Ginamot ang mga nagkasakit at gumaling pagkalipas ng ilang araw. Nalaman din na nanggaling ang bacteria sa isang kontaminadong pipeline na nagsu-supply ng tubig sa nasabing area ng barangay.


5. Waste Segregation

Sa totoo lang, gamit na gamit na yung programa na ‘to. Mainam na maglagay ng garbage bins for biodegradeable, nonbiodegradeable, and recyclable. Yung biodegradeable pwede iproseso at gawing fertilizer. Yung recyclable pwede dalhin sa recycling center at iproseso para makalikha ng bagong materyales. Ang mahirap lang ay yung hindi pagse-segregate ng ilang nagtatapon. Maganda kung makaisip tayo ng reward system at may strong enforcement para sumunod sila.

Maganda rin yung per kilo ng plastic bottles, may reward. Then ita-transform yung naipon na plastic bottles sa bagong materyales.


6. Free Computer use, Printing, and Photocopy

Marami rin ang may ganitong initiative. For acad purposes 🙂


7. Help Alleviate Hunger and Prevent Malnutrition

Feeding program and Nutribun


8. Youth Olympics

Para mas maging masaya naman yung kabataan. Inaabangan din nila ‘to. Hindi rin pwede mawala sa tradisyon nila yung pa-liga. Maganda kung festive yung style ng olympics. Kayo na lang bahala mamili ng sports at mag-budget ng prizes. Makipag-coordinate sa barangay.

  • Basketball
  • Volleyball
  • Badminton
  • Chess
  • Scrabble
  • Bike Race
  • Larong Pinoy
  • Online Games Tournament
  • Poster Making
  • Slogan
  • Essay Writing
  • Mural Painting Contest (kung may willing ipagamit yung wall)
Photo by Gustavo Linhares on Pexels.com

9, Interactive Workshops to Raise Awareness

Epektibo ang seminar, pero mas epektibo ang interactive activities dahil mas tatatak sa kabataan yung matututunan (kasi hands-on). Kailangan mag-hire ng professionals para mag-facilitate. Sana pwede sa public school ganapin yung mga ganitong activities. Heto yung mga pwedeng paksa sa mga workshops:

  • Nutrition
  • Anti-Drug Campaign
  • Teenage Pregnancy Prevention
  • Mental Health Awareness
  • Communicable Disease Prevention (including STDs)
  • Disaster Risk Reduction
  • Environmental Care
  • First Aid
  • Voter’s Education
  • How to Start a Business?
  • Digital Content Creation
  • Media Literacy
  • Cryptocurrency
  • Philippine and World History

10. First Aid and Hygiene Kit Distribution

Kasama sa pamamahagi ng kit ang pagtuturo tungkol sa first aid.

Photo by Roger Brown on Pexels.com

11. Cleanup Drive

Maganda rin kung pati kabataan ma-encourage magparticipate sa cleanup drive, hindi lang SK officials. Tapos sana gumawa ng strict ordinance yung barangay officials na pagbawalan ang pagkakalat para hindi ‘linis now, kalat ulit later’.

Photo by Ron Lach on Pexels.com

12. Free Wi-Fi para sa mga estudyante

Kahit 15 students per 2 hours. For acad purposes lang, bawal online games 🙂

Inspired by: Study Konek


13. Scholarship

Matagal nang programa ng SK officials yung scholarship program. Pero kailangan pagpatuloy pa rin ito. Tapos may return service mga scholars para sa barangay niyo.


14. Collaboration with ANGAT BUHAY, and other NGOs

Maraming natulungan ang Angat Buhay program, at mas marami pang matutulungan kung makikipagtulungan ang SK officials sa nasabing programa. Walang halong politikal dahil ang parehong layunin ng SK at Angat Buhay ay paunlarin ang pamumuhay ng bawat-isa — mapa-edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.

Bukod sa Angat Buhay Foundation, marami pang NGOs ang maaaring makiisa ang kabataan. Katulad ng IBON Foundation, Childhope Philippines, Philippine Red Cross, Greenpeace Philippines, at iba pa.


15. Makiisa sa Sustainable Development Goals

Ang SDGs ay programa ng United Nations upang panatilihin ang kapayapaan, tugunan ang mga isyu sa iba’t ibang panig ng mundo, at i-angat ang antas ng pamumuhay ng bawat isa. Maaari itong pagbasehan ng mga SK officials sa pagsusulong ng mga programa o proyekto. Narito ang 17 Goals mula sa UN:

SDG mula sa UN.org

More info: 17 Sustainable Development Goals


Alam kong gusto niyo nang baguhin ang nakagawiang sistema. Gusto natin ng maganda at maayos na pamamahala. Pero para gawin iyon, simulan sa pinakamaliit. Isang paraan ang pagtakbo at pagseserbisyo bilang SK official. Bilang pagmamahal sa bayan, ang kabataan ay dapat may malinis, matapat, progresibo, at may pusong pamamalakad sa inyong nasasakupan.



Sana po ay magustuhan niyo. Marami pang mga programa na maaaring ilunsad. Maraming salamat po sa pagbabasa!

Iba pang article mula sa site na mas magandang basahin: Mga programa at plataporma para sa susunod na SK officials

About the Author:

Kyle Zamuel F. De Jesus, 20, is a MedTech student from the Philippines. He wants to pursue his dreams in life and help many people. While studying, he invests in producing articles that will surely make people enjoy. He’s not a professional writer, though. He only wants to share what is on his mind.

I will appreciate it if you follow me on these social media accounts. Thank you!


Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s