
Eleksyon na ng SK on December 2022 so kung gusto niyo ng plataporma or mga planong programa, basahin niyo lang ‘to. Salamat!
1. Anti-Corruption InitiaThieves
Itago mo yung kaban ng bayan para di manakaw ng iba. Syempre ang habol mo kaya ka nag-SK ay pera, diba? Pag di pa sapat yung sweldo mo, baka gusto magnakaw? joke.
2. Sasakyan para sa Kabataan
Siguro kasya na yung magiging budget ng 3-6 years para makabili ng sasakyan para sa inyong barangay. Kahit NMAX lang. Dikitan mo ng sticker ng SK para feel ng kabataan na kanila rin yun. Pagkatapos ng termino, sa inyo na yan. Tanggalin niyo sticker tapos itabi na lang sa garahe ni chairman.
3. Cleanup Drive
Syempre may mga parte ng barangay na maraming kalat. So ano gagawin? Cleanup Drive syempre. Walis dito, walis doon. Pulot kalat here, pulot kalat there. Para may makita naman na may nagagawa ang SK. Kahit sa unang taon lang pwede na tiyak sa una lang naman kayo magaling.
4. SK Olympics
Hindi mawawala yung mga pa-liga. Yung trophy, galing sa pera ni konsi na kunwari sponsor pero kaban ng bayan lang din galing. Syempre, prepare na rin kayo in case na may rambulan habang may game pa. Awatin niyo sa una tapos rumesbak pag yung barkada mo na binugbog. Walang good moral sa SK kung binasag yung molars ng kaibigan mo.
5. Essay Writing Contest
Yung may pinakamahabang sinulat matic na champion. Pwede rin yung kamag-anak ng SK kahit walang sense yung pinagsususulat.
6. Outing
Syempre deserve niyo ng pahinga pagkatapos ng nakakapagod na mga projects. Kaban ng bayan pa rin gagamitin hindi sweldo ah. TRAPO tayo na SK eh. Maraming magagandang beach sa La Union. Meron din sa Zambales. Pero kung malaki yung kaban ng bayan, pwede na sa Bora or El Nido.
JOKE LANG ‘TO AH! WAG SERYOSOHIN! SATIRE ONLY! WALANG PINAPATAMAAN.
Bukas post ko yung pang-seryoso na! Abangan niyo dabest ‘to!

About the Author:
Kyle Zamuel F. De Jesus, 20, is a MedTech student from the Philippines. He wants to pursue his dreams in life and help many people. While studying, he invests in producing articles that will surely make people enjoy. He’s not a professional writer, though. He only wants to share what is on his mind.
I will appreciate it if you follow me on these social media accounts. Thank you!
1 Comment